Nakakaranas ng matinding init ang silangan at hilagang bahagi ng Japan nitong Miyerkules at binigyan ng babala ang mamayan na mag-ingat sa posibilidad ng heat stroke.
Ayon sa Meteorological Agency, “Isang mataas na presyon na sumasaklaw sa malawak na mga lugar mula sa silangang hanggang hilagang Japan, at sinabayan ng mainit-init na hangin ay nagdadala ng maaliwalas at mainit na panahon.”
Dakong 1:30 ng hapon, ang temperatura ay umabot sa 35.3 degrees celsius sa lungsod ng Fukushima at ang bayan ng Ishikawa sa prepektura ng Fukushima.
Samantalang, tinatalang nasa 35.1 degrees naman ang temperatura sa lungsod ng Ueda, sa prepektura ng Nagano. Habang umabot ng 34.7 ang temperatura sa mga lungsod ng Nagano at lungsod ng Miyakop sa Iwate. At 31.3 degrees naman ang tala ng temperatura sa Central Tokyo.
Maraming tao sa Japan ang nagsu-suot ng mga surgical masks dahil sa pandemya ng coronavirus, ngunit ang pagsu-suot ng mga ito sa gitna ng mataas na temperatura ay kinatakutan na mag-sanhi ng isa pang panganib sa kalusugan tulad ng heatstroke.
Sa Tokyo pa lamang, 30 katao ang isinugod sa ospital sa posibleng kadahilanan ng heatstroke nuong Martes.
Ayon sa mga opisyales ng Environment Ministry ” Kapag may suot na face masks ang mga tao , dapat uminom ng mas maraming tubig at iwasan ang matinding pag-eehersisyo. “, sinasabi din nila na ang mga face masks ay maaaring alisin basta`t pinapanatili ang social distancing.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation