NAGOYA
Isang lalaki na pinaniniwalaan na nagkaroon ng rabies infection isang buwan na ang nakalilipas sa Pilipinas ay namatay sa isang ospital sa lungsod ng Toyohashi, ang unang pagkamatay na sanhi ng sakit na rabies virus sa bansa mula pa noong 2006, sinabi ng lungsod noong Lunes.
Ang Pilipino na nasa kanyang 30s ay dumating sa Japan mula sa Pilipinas noong Pebrero upang magtrabaho, ayon sa pamahalaang lungsod. Nagsimula siyang magreklamo ng sakit sa likod at kanyang paa(ankle), at labis na takot sa tubig, isang karaniwang sintomas ng rabies na kilala bilang hydrophobia, sa paligid ng Mayo 11.
Ang lalaki ay nakagat ng aso sa Pilipinas bandang Setyembre, ayon sa pamahalaang lungsod ng Toyohashi. Siya ay na-ospital mula noong Mayo 18.
Dalawang lalaki na Japanese ang namatay ng rabies noong 2006 matapos bumalik mula sa Pilipinas kung saan sila ay nakagat din ng aso.
Ang mga Rabies virus ay karaniwang nakukuha sa isang kagat mula sa isang nahawaang hayop, ngunit hindi ito napapasa ng human to human.
Habang may mga epektibong bakuna upang gamutin ang mga tao pagkatapos na makagat, ang rate ng pagkamatay sa sandaling lumitaw ang mga sintomas ay halos 100 porsyento.
© KYODO
Join the Conversation