Pinoy, arestado sa attempted murder ng isa pang Pinoy sa Saitama

Noong June 14, isang kaso ng  pananaksak sa isang Pilipino sa Fujimi City, Saitama Prefecture, inaresto na ng Higashiiruma police noong June 17 ang suspect na isa ring Pinoy sa kasong attempted murder. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Noong June 14, isang kaso ng  pananaksak sa isang Pilipino sa Fujimi City, Saitama Prefecture, inaresto na ng Higashiiruma police noong June 17 ang suspect na isa ring Pinoy sa kasong attempted murder.

Ang suspect ay isang 26 years old na construction worker sa nasabing lugar.

Ang insidente ay nangyari bandang 8:50 pm ng June 14, nang mag away sa isang party ang dalawang Pinoy at sinaksak ng suspect sa tiyan ang biktima na isa ding Pinoy, 37 years old at nakatira sa isang multi-tenant building sa Sekizawa, Fujimi City malapit kung saan nangyari ang insidente.

Agad namang naisugod sa hospital ang biktima, lubha itong nasugatan sa natamong salsak ngunit malayo naman ito sa panganib.

Matapos ang pananaksak, tumawag sa police ang isang kaibigan ng biktima na naka-witness sa pangyayari upang i report ang pananaksak.

Noong June 17, pumunta ang suspect sa police station kasama ang isang kakilalang Hapon bandang 2:30 pm upang sumuko at magpahayag ng kanyang statement tungkol sa pananaksak.

Na confiscate na din ng pulisya ang ginamit na kutsilyo. Inamin ng suspect na siya ang sumaksak ngunit giit nito na hindi niya intensyong patayin ang biktima.

@ Saitama Shimbun

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund