Ang rocketship na binuo ng isang Japanese venture firm ay nabigo na maabot sa kalawakan.
Ang Interstellar Technologies ay naka-base sa pinaka-hilagang bahagi ng Prepektura ng Hokkaido, at nag-lungsad nang ika-limang bersyong ng kanilang “Momo” rocket nuong Linggo bandang alas-5:30 ng umaga, mula sa isang site sa bayan ng Taiki.
Ayon sa kumpanya, ang makina ng rocket ay nag-emergency stop at huminto ilang minuto matapos pumahimpapawid ay tuluyan ng bumagsak sa dagat.
Sa pangunahing analisis, naitalang umabot sa 11 kilometro ang taas na naabot ng masabing rocket.
Makikita sa footage ang pag-paling ng craft habang papa-angat at bago tuluyang bumagsak sa karagatan.
Ang Momo-5 ay may sukat na 10 metro sa haba at 50 cm ang lapad — kapareho ng naunang bersyon nito na nailunsad noong Hulyo ng nakaraang taon.
Ipinag-paliban ng kumpanya ang pag-lulungsad ng Momo-5 noong Enero dahil sa problema sa communication equipment, at ang isyung ito ay agad din na-resolba sa pamamagitan ng pag-papalit ng mga bagong pyesa.
Ito ang ika-limang pag-lulunsad ng Momo Rocket. Tanging ang pangatlong rocket na nai-lunsad ang naka-abot sa target altitude noong Mayo na may taas na 100 kilometro.
Ipa-paliwanag ng mga opisyal ng kumpanya ang mga detalye ng launch sa isang press conference sa Linggo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation