CHIBA – Isang night school na pinapasukan ng mga dayuhang residente at pinamamahalaan ng mga lokal na volunteers sa lungsod ng silangan ng Tokyo ay magpapatuloy na muli ng klase mula Hulyo 2 matapos na nagsara ito mula Marso dahil sa coronavirus pandemic.
Ang mga klase sa gabi ay pinamamahalaan ng isang samahang nongovernmental na pinamumunuan ng kinatawan na si Etsuko Takeuchi. Ginagawa ng grupo ang ang mga night class sa isang pampublikong junior high school sa lungsod. Ang mga boluntaryo ay nagbibigay ng tatlong yugto ng klase bawat linggo tuwing Huwebes sa Takasu Community Center sa Chiba’s Mihama Ward. Bago ang pansamantalang pagsasara ng paaralan, mayroon silang mga 60 na mag-aaral na may edad sa pagitan ng 10 at 80s na ang kalahati ay mga dayuhan.
Kabilang sa mga dayuhang mag-aaral ay isang 29-taong gulang at 32-taong-gulang na mga Vietnamese, na parehong nagsabi na excited na silang muling pumasok sa school. Ang dalawa ay dumating sa Japan noong Pebrero 2019 bilang mga teknikal na intern trainees, at nagtatrabaho sa isang kumpanya ng konstruksiyon ng kagamitan na matatagpuan sa Inage Ward ng lungsod. Bagaman pinag-aralan ng dalawa ang wika bago dumating sa Japan, sinabi nila na mayroon pa ring mga salitang mahirap intindihin kapag nakikipag isap.
Kinomento ni Representative Takeuchi, “Mahirap na magtalaga ng araling-bahay sa lahat nang sabay-sabay dahil ang kurikulum ng bawat mag-aaral ay naiiba. Ang aming pinakapakahalagang prayoridad ay tiyakin ang isang kapaligiran na maiwasan ang paglabag sa ‘tatlong Cs ‘(confines spaces, crowded places at close contact) sa sandaling magpapatuloy ang mga klase. ” Napag-usapan din ng samahan ang mga hakbang kabilang ang pagbabawas ng bilang ng estudyante kada klase sa kalahati ng orihinal na bilang ng mga mag-aaral.
(Japanese original by Tatsuya Naganuma, Chiba Bureau)
Join the Conversation