Tahimik ang mga parke na malapit sa mga lumang templo sa Prepektura ng Nara nitong Sabado. Ito ang unang weekend mula ng muling nag-bukas ang mga templo.
Mula nang itaas o pina-tigil ng pamahalaan ang state of emergency sa prepektura, muli nang binuksan sa mamamayan ng Todaiji Temple ang Great Buddah Hall nitong ika- ng Hunyo. Sa nasabi din na araw, binuksan na rin ng Kofukuji Temple ang ilan sa kanilang mga pasilidad. Ang parehong templo ay naka-rehistro bilang world Heritage sites.
Bago pa pumutok ang pandemiyang dala ng coronavirus, ang Nara Park ay palaging puno ng mga estudyante dahil sa school trips at mga dayuhang turista.
Nuong Sabado, makikita na iilang pamilya ang makikitang namamasyal o kumukuha ng litrato kasama ang mga wild deer na malayang umiikot-ikot sa nasabing pasyalan.
Ang mga hayop ay pina-kakain o nagpapa-hinga sa ilalim ng isang puno.
Isang lalaki na nag-mula sa Osaka at kasama ang kanyang 2 anak ang nag-sabi na siya ay masaya at natutuwa nang maka-pasyal dito matapos ang mahabang panahon na pamamalagi sa loob ng kanilang tahanan.
Isang pa ring lalaki na nasa kanyang 70`s na mula sa karatig lungsod ang na-bigla nang makita ang parke na wala masyadong tao, dahil kalimitan ito ay puno ng mga dayuhang manlalakbay.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation