OSAKA — nabinbin sa bansang Japan ang mga dayuhang technical trainees dahil walang international flight na lilipad upang iuwi sila sa kanilang bansa sanhi ng pandemiyang dala ng coronavirus.
Isang 25 anyos na technical intern na nag-punta sa Japan 3 taon ang nakakalipas galing sa bansang Vietnam, ang nagta-trabaho sa pagawaan ng electronic parts at gumagawa pa ng ibang gawain sa pabrika sa prepektura ng Shiga sa kanlurang bahagi ng Japan hanggang Abril. Nag-balak siyang umuwi sa kanyang bansa kapag natapos niya ang kanyang kontrata, ngunit dahil sa pandemiya kanselado ang mga international flights.
Mayroon pang 14 na Vietnamese na nabinbin sa Japan na tulad ng 25 anyos na lalaki. Sila ay nag-sama sama sa 3 apartment sa isang gusali sa Ikuno Ward sa Osaka. Ang kanilang tirahan ay inihanda ng isang kinatawan ng kumpanya sa prepektura ng Osaka, kanlurang bahagi ng Japan na siyang tumatanggap sa mga technical intern trainees. Nasa ikalawang buwan nang namamalagi rito ang mga trainees.
Ang organisasyong ito ang siyang nagbabayad ng upa ng apartment, ngunit ang mga trainees ay ang siyang bumibili ng kanilang sariling pangangailangan at pagkain. Kanya-kanya silang nag-luluto sa kani-kanilang bahay.
Sinabi ng isang 32 anyos na Vietnamese na lalaki na nagtatrabaho sa loob ng limang taon sa isang pabrika ng pagawaan ng parte ng sasakyan sa kalapit na prepektura ng Hyogo na “Lahat ng aking ipon ay ipinapa-dala ko sa aking pamilya sa aking bansa kung-kaya’t wala akong hawak na pera dito.” Sinabi nito na may bahid ng lungkot sa kanyang mukha na “Sana matanggap na namin ang 10 lapad na ayuda sa lalong madaling panahon.”
Ayon kay Toshiaki Torimoto, namumuno sa “Nichietsu Koryu Center Hyogo” (Japan-Vietnam exchange center Hyogo) — isang support group na naka-base sa Kobe na tumutulong sa mga Vietnamese students sa Japan na “Ang mga dayuhang estudyante at technical intern trainees ay nasa isang mahirap na sitwasyon dahil sa novel coronavirus, hindi nila kakayanin harapin o tustusan ang kanilang sitwasyon sa susunod na buwan. Kailangan na maka-gawa ng paraan upang mapabilis ang pag-bibigay ng ayuda. ”
May isang 25 anyos na nag-sasabi na ang kanyang naka-tatandang kapatid ay nagtatrabaho bilang isang ininyero sa Tokai region ng Central Japan, nais niya rin na makabalik sa Japan at matupad ang kanyang pangarap maging isang ininyero. “Masarap mamuhay sa Japan at nais ko na maka-balik rito balang-araw, ngunit sa ngayon nais ko munang bumalik sa Vietnam upang umuwi sa pamilya ko na nag-aalala sa aking kalagayan.”
(Japanese original by Fusajiro Takada, Osaka Bureau)
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation