NAGOYA
Ang mga operator ng taxi sa buong Japan ay lubos na tinamaan ng epekto ng pandemic na nag sanhi ng malaking pagkalugi, kaya’t naglunsad sila ng food delivery service upang mabawi ang nalugi matapos pinahintulutan sila ng gobyerno na mag-transport ng pagkain para noong Abril bilang isang hakbang sa deregulasyon.
Halos 1,300 na mga operator ng taxi sa buong bansa ang nagsimulang maghatid ng maiinit na pagkain hanggang Mayo 22 upang malampasan ang paghihirap na dala ng epidemya ng virus.
Habang isinasaalang-alang ng sentral na pamahalaan ang permanenteng hakbang ng deregulasyon, inaasahan ng maraming mga kumpanya ng taxi ang serbisyo, na nagbibigay-daan sa mga driver na magamit ang kanilang ekstrang oras at gawin itong kapaki pakinabang na oras.
Ang grupong Tsubame-taxi sa Nagoya, gitnang Japan, ay naghahatid ng curry udon noodle, miso (soy paste) pork cutlet at iba pang pangunahing lokal na dishes mula sa halos 30 na mga restaurants sa lungsod.
Ang mga kustomer ay sisingilin sa pagitan ng 1,000 yen at 2,000 yen para maihatid ang pagkain, na may pinakamalayong paglalakbay na 7 kilometro.
-
© KYODO
Join the Conversation