Takamatsu,Japan (Kyodo)- Ang mga ornamental square watermelon ng taong ito ay nagsimula nang ipadala noong Miyerkules , mula sa kanluran Lungsod ng Zentsuji, kasama ang humigit kumulang na 10,000 yen ($94) na mga prutas na hinog at handa na para sa mga mamimili.
Plano ng pitong growers sa Kagawa Prefecture ang magpadala ng halos 400 kubiko ng mga pakwan, na may mga sukat na halos 18 sentimetro pahaba sa mga mamamakyaw lalo na sa Tokyo Metropolitan Area, Osaka at mga nakapalibot na mga lungsod sa kalagitnaan ng Hulyo.
“Dahil sa epekto ng coronavirus sa taong ito, sa palagay ko ay may mga taong nalulumbay dahil kinailangan nilang manatili sa bahay sa mainit na panahon,” sabi ni Toshiyuki Yamashita,72, isa sa mga producers, ” Inaasahan kong magkakaroon sila ng kasiyahan kapag nakita nila ang mga square watermelons.”
Ang mga hindi pa makaing pakwan ay inilalagay sa mga plastic container sa loob ng 10 araw habang ito ay hilaw. Sabi ng mga growers nasa 80% ang kabuuang ani na maaari ng ibenta sa merkado.
Ang isang grupo ng magsasaka sa lungsod ay nagsimulang magproduce ng mga pakwan sa loob ng nakalipas na 50 taon sa kagustuhang umunlad at makilala ang kanilang kumunidad.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation