TOKYO (TR) – Ang pag-aresto sa 31 anyos na lalaki sa kasong pag-nanakaw sa post office sa Shibuya Ward kung saan siya nag-tatrabaho nitong simula nang taon ay isina-gawa sa kanyang pag-nanais na makuha ang ayuda mula sa gobyerno, ayon sa ulat ng Fuji News Network (June 4).
77,000 yen ang umano`y halaga ng perang ninakaw ni Kenichi Yoshida mula sa change machine sa Yoyogi Post Office nuong March 1.
Naging person of interest siya, matapos mapag-alaman na ginamit sa isang krimen ang kanyang identification card. Subalit ang kanyang kinaroroonan ay hindi na malaman kung nasaan.
Si Yoshida ay nabubuhay sa pamamagitan ng palipat-lipat ng pag-tira sa internet cafe. Ngunit nang nag-anunsiyo si Prime Minister Shinzo Abe nuong ika-17 ng Abril tungkol sa 100,000 yen na ayuda sa lahat ng residente ng Japan dahil sa pandemiyang dala ng COVID-19 siya ay nagpa-rehistro ng address sa Shinjuku Ward upang maka-kuha ng ayuda.
Ginamit ng mga awtoridad ang nalakap na impormasyon upang siya ay maaresto sa kasong pag-nanakaw. “ Kahit na ako ay naka-kulang, makukuha ko pa din ang ayuda, diba?” Pag-tatanong nito sa mga pulis nang siya ay hinuli ng pulis.
At ang kasagutan ay oo. Ayon sa network, ang isang suspek ay maaaring atasan ang kanyang tagapag-tanggol upang ipasa ang aplikasyon para sa kanya.
Karagdagan pa dito ayon sa network ay, ang aplikasyon ay maaaring ipasa mula sa detention center, at marami ng detainees ang nakapag-pasa nito kabilang ang mga nasa Tokyo Detention House sa Katsushika Ward.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation