Mga eksperto nag-bigay babala na tataas ang panganib ng heatstroke sanhi ng mask

Isang senior official sa isang asosasyon ang nanawagan sa mga tao na gumawa ng hakbang upang maka-iwas atakihin ng heatstroke.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga eksperto nag-bigay babala na tataas ang panganib ng heatstroke sanhi ng mask

Nanawagan ang mga eksperto sa bansang Japan sa mga tao na mag-ingat sa pag-gamit ng face mask ngayong tag-init kung kailan ang panganib ng heatstroke ay mataas.

Ang pag-suot ng mask ay parte ng rekomendasyon ng pamahalaan para sa “bagong pamumuhay” na naka-disenyo upang maiwasan ang coronavirus infection.

Nitong Lunes, ang Japan Association para sa Acute Medicine at tatlong pang grupo ng mga doktor ang gumawa ng isang proposal kung papaano maiwasan ang heatstroke habang gamit ng mga tao ang pantakip sa mukha.

Ayon sa mga eksperto, mararamdaman ng mga taong naka-suot ng face mask ang pag taas ng kanilang heart rate at pag-bilis ng kanilang hininga.

Pinapayuhan nila ang mga tao na tanggalin ang kanilang mga mask paminsan-minsan habang pinapanatili ang distansya sa ibang tao. Dinagdag rin nila na dapat manatiling hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig.

Nag-bigay rin ng suhestiyon ang mga eksperto na gumamit ng kurtina kapag biglang tumaas ang temperatura ng isang kwarto upang bumaba ang panganib ng impeksyon.

Sinabi rin nila na ang mga tao ay dahan-dahan nang mag-ehersisyo sa bahay o mag-lakad sa labas upang dahan-dahang masanay ang katawan sa darating na init bago pa sumapit ang summer.

Sinabi rin nila na dapat bantayan maigi ang mga matatandang naninirahan lamang mag-isa sa kanilang tahanan, dahil mas mataas ang panganib ng heatstroke sa mga matatanda lalo na kapag sila ay nananatili sa loob ng bahay.

Isang senior official sa isang asosasyon ang nanawagan sa mga tao na gumawa ng hakbang upang maka-iwas atakihin ng heatstroke.

Sinabi niya na mahirap malaman ang pagkaka-iba ng isang na-heatstroke na pasyente na nagkakaroon ng lagnat at ang isang pasyente na mayroong coronavirus. Dahil maaaring mahirapan ang mga emergency responder na humanap ng ospital na tatanggap sa mga ito.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund