IBARAKI
Ang mga pulis sa Yuki City, Ibaraki Prefecture, ay inaresto ang isang 68-taong-gulang na lalaki sa kasong obstruction of business matapos siyang magbanta na “ika-kalat” niya ang coronavirus sa loob ng isang supermarket.
Ayon sa pulisya, pinasok ni Toshiaki Furukawa ang tindahan bandang 8:40 a.m. noong Hunyo 3 at sinabi sa isang empleyado, “Ikakalat ko ang COVID-19 sa buong shop na ito sapagkat mayroon ako nito,” iniulat ni Sankei Shimbun. Pagkatapos ay tinanggal ni Furukawa ang kanyang facemask at nagsimulang bumahing ng bumahing sa loob ng tindahan at saka umalis.
Sinabi ng pulisya na ang mga customer ay naroroon sa oras na ginawa ng Furukawa ang kaguluhan. Kinailangang magsara ng mga staff ng tindahan habang dinidisimpekta nila ang buong sulok ng supermarket.
Si Furukawa ay naaresto noong Miyerkules matapos ang isang pagsusuri ng footage ng surveillance camera ng supermarket. Sinabi ng pulisya na itinanggi ng matanda ang mga paratang sa kanya at ayon dito lasing siya at wala siyang naaalala sa pangyayari.
Walang din mga ulat na kung totoo ngang nagpositibo sa testing si Furukawa sa virus.
© Japan Today
Join the Conversation