Mataas na temperatura ang dinadanas ng buong Japan sa gitna ng mga alalahanin na ang face mask ay maaaring maging sanhi ng heat stroke.

Maraming mga eksperto sa kalusugan ang nag-sabi na maaari naman na tanggalin ang mga face masks kapag ikaw ay didistansya ng isa o dalawang metro ang layo mula sa ibang mga tao kung nasa labas.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMataas na temperatura ang dinadanas ng buong Japan sa gitna ng mga alalahanin na ang face mask ay maaaring maging sanhi ng heat stroke.

Tokyo- Tinatalang umabot ng 30 C ang temperatura na naitala sa kabuoan ng Japan at 300 pang lokasyon nuong Martes, ayon sa Weather Agency.

Sa 921 na weather stations sa buong Japan, 323 ang nag-tala ng datos na may mahigit 30 C sa taong ito , habang ang anim ay umaabot ng 35 C, dagdag pa ng ahensya.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Japan Meteorological Agency, sa Tokyo ay umabot ng 31.0 C , ang siyang tina-talang pinaka-mainit na panahon sa ngayon, habang 35.6 C naman ang lungsod ng Dazaifu sa Prepektura ng Fukuoka, at mahigit 35 degrees celsius naman ang naitala sa tatlong lugar sa Prepektura ng Shimane.

Ang init ng temperatura sa Lungsod ng Yonago sa Prepektura ng Tottori at ang Lungsod ng Sano sa Prepektura ng Tochigi ay umabot ng 35.1 degrees ayon sa naturang ahensya.

Ang pinaka-mataas na temperatura na naitala ngayong taon ay rumihistro sa Lungsod ng Kurume sa Fukuoka nuong Lunes ay umabot ng 35.8 C.

Ang matinding init ng panahon ay nagdulot sa mga mamayan ng alalahanin tungkol sa panganib ng heatstroke na sanhi ng pagsu-suot ng mga face mask bilang proteksyon sa coronavirus.

Pahayag ng NHK, ang Ipinapakita ng thermal imaging kapag walang suot na face mask ang temperatura sa bandang  bibig ay halos 36 degrees, at ito ay tumataas ang temperatura ng 40 degrees sa loob ng isang minuto kapag may suot na face mask.

Maraming mga eksperto sa kalusugan ang nag-sabi na maaari naman na tanggalin ang mga face masks kapag ikaw ay didistansya ng isa o dalawang metro ang layo mula sa ibang mga tao kung nasa labas.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund