Mangagawa sa Supermarket sa Yokohama arestado sa pagnanakaw ng card information ng kustomer upang makabili ng ticket sa eroplano.

Ayon sa kapulisan, ang mga hinala ay lumitaw matapos magreport ang airline na may isang pasahero na bumibili ng airline ticket gamit ang credit card ng ibang tao.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Makikita sa larawan ang tanggapan ng Metropolitan Police Department.

Tokyo- Isang binatang tsino ang naninirahan sa Lungsod ng Yokohama, Timog ng Tokyo ay naaresto sa salang pagbili ng mga ticket sa eroplano sa pamamagitan ng paggamit sa ninakaw na impormasyon sa credit card, pahayag ng kapulisan nuong Hunyo 23.

Ang 16 anyos na binatilyo ay nasa ikalawang taon ng high school ay naaresto sa salang computer fraud at umano’y pagnanakaw ng sensitibong impormasyon sa credit card ng mga customer sa isang supermarket kung saan siya ay part-time na nagtatrabaho, ayon sa Organized Crime Counter Measure Unit ng Metropolitan Police Department (MPD).

Ang binatilyo ay inakusahang bumili ng apat na airline tickets na nagkakahalaga ng 146,160 yen ($1,372) sa website ng airline nuong Enero 17 gamit ang credit card ng isang babae edad 70 na naninirahan din sa Lungsod ng Yokohama. Aminado naman ang suspek sa ginawang krimen.

Ayon sa MPD Special Investigating Unit, sa mga panahon ng Nobyembre 2019 at kalagitnaan ng Pebrero ng taong iyon, ang binatilyo ay pinaghihinalaan bumiyahe patungong Sapporo sa hilagang Japan, Prepektura ng Hokkaido; Naha sa Southern Okinawa, at iba pang mga lokasyon halos 80 beses, binisita din niya ang Tokyo Disneyland sa Urayasu, Chiba Prefecture sa silangan ng kabisera, pati na rin ang Universal Studios na nakabase sa kanlurang Japan Lungsod ng Osaka kasama ang mga kaibigan, gamit ang pandaraya. Maliwanag na kinuha niya ang pinakamahal na upuan sa mga flights.

Ang binata ay nagtatrabaho ng part-time bilang isang kahero sa isang supermarket sa Lungsod ng Yokohama mula noong Oktubre 2019, at ipinagayag na nakakolekta siya ng mga impormasyon ng credit card ng 80 beses. Napag-alaman ng Special Investigating Unit na umabot ang financial damage lagpas 10 milyong yen ( $93,847).

Ayon sa kapulisan, ang mga hinala ay lumitaw matapos magreport ang airline na may isang pasahero na bumibili ng airline ticket gamit ang credit card ng ibang tao.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund