TOKYO (Kyodo) – Maraming mga kumpanya sa iba’t ibang larangan ang nagmamadali upang makabuo ng mga cool at dry na face mask upang matulungan ang mga tao sa labis na init ngayong summer sa Japan habang patuloy na nagsusuot ang mga tao ng mask upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Ang pangangailangan para sa mga cool mask ay tumataas sa Japan at iba pang mga bahagi ng mundo, na may mga dalubhasang medikal na nagbabala laban sa mga panganib tulad ng hirap sa paghinga at madehydrate ang mga tao dahil sa mainit at mahalumigmig na panahon.
Ang mga kumpanya mula sa iba’t ibang mga industriya na hindi pa nakagawa ng mga mask dati ay bumuo ng mga solusyon, kasama ang kanilang sariling kadalubhasaan mula sa high-tech na cool na mga materyales at iba pang ideya tulad ng paglalagay ng mga ice pack sa loob ng mga mask.
Mainichi
Join the Conversation