Mag-inang bumalik sa Japan galing Pilipinas nag positibo sa coronavirus

Mag-inang Pilipino na naninirahan sa Fukushima Prefecture, nakumpirma na nahawahan ng coronavirus. Ang nag positive ay isang nanay na nasa kanyang 30's at anak na lalaki, sila ay nanatili sa Pilipinas mula Marso hanggang Hunyo 13 ng taong ito at bumalik sa Japan noong ika-14. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMag-inang bumalik sa Japan galing Pilipinas nag positibo sa coronavirus

Noong Hulyo 14, ang mag-ina na Pilipino na naninirahan sa Fukushima Prefecture ay nakumpirma na nahawahan ng coronavirus. Ang nag “Positibo” ay isang nanay na nasa kanyang 30’s at anak na lalaki, sila ay nanatili sa Pilipinas mula Marso hanggang Hunyo 13 ng taong ito at bumalik sa Japan noong ika-14.

Pagdating nila dito Japan, sila ay sumailaalim sa PCR test sa Narita Airport Quarantine Station, at dahil wala naman silang mga sintomas, umuwi din sila noong araw na yon sakay ng kanilang sariling kotse at bumalik sa kanilang bahay upang maghintay ng resulta ng test.

Pagkatapos, noong hapon ng ika-14, lumabas ang rseulta at sila ay “positibo”, at ang sentro ng kalusugan sa Chiba Prefecture ay nakipag-ugnayan sa Fukushima Prefecture bandang alas-5 ng hapon upang ipagbigay-alam sa mag-ina. Sa kasalukuyan, nasa ospital ngayon ang mag-ina sa isang Medical institution for infectious diseases ng prefecture.

Ayon sa prefecture, bukod sa mag-ina, kasama nilang naninirahan sa bahay ang asawang Japanese national (asawa) at nanatili ito sa kanyang bahay hanggang sa lumabas ang resulta ng testing sa kanya.

Source: Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund