TOKYO
Sinabi ni Deputy Prime Minister at Finance Minister Taro Aso noong Huwebes na ang mababang bilang ng namamatay sa Japan mula sa coronavirus ay dahil sa mataas na level ng nakaugaliang “social manners” ng bansa.
“Nakatanggap ako ng mga tawag sa telepono (mula sa ibang bansa) na nagtanong ‘Mayroon ba kayong gamot na kayo laman ang meron?’ Ang sagot ko “iba lang ang level ng social manners ng Japan at yun doon natahimik sila, “sabi ni Aso sa isang session ng parlyamentaryo sa House of Councilors.
Ang Japan ay nagkaroon ng nasa pitong mortality sa bawat 1 milyong residente, sinabi ni Aso, isang antas na mas mababa sa Estados Unidos, Britain at France.
“Ang Estados Unidos ay nagpapataw ng mga multa sa mga taong sumuway sa mga patakaran sa lockdown, at ginawa rin ito ng Pransya. Ngunit hindi natin kailangang gawin ang ganoong bagay, ang ginawa lamang natin ay mag request sa mga tao ” na iwasan ang unnecessary outing at manatili sa bahay, Aso sabi. “Dapat nating ipagmalaki ito.”
Ayon sa datos mula sa Johns Hopkins University, ang rate ng dami ng namamatay sa COVID-19 bawat 100,000 katao ay 0.72 sa Japan, habang ito ay 32.76 sa Estados Unidos, 43.33 sa Pransya, at 59.88 sa United Kingdom as of Miyerkules. Ang rate ay medyo mababa sa Asya, sa China sa 0.33 at Thailand sa 0.08.
Iniwasan ng Japan ang isang malawakang outbreak ng impeksyon ng coronavirus hanggang ngayon, na may 17,600 kaso at higit sa 900 na namatay as of Miyerkules
Gayunpaman, ang pamahalaang Japan ay nagsusulong para sa isa pang wave ng impeksyon. Nagbigay ng babala ang Tokyo noong Martes sa gitna ng mga palatandaan ng isang muling pagkabuhay ng impeksyon ng virus.
Iniulat ng Tokyo ang 28 na bagong kaso ng impeksyon nitong Huwebes.
© KYODO
Join the Conversation