Tokyo- Isang lindol na may lakas na 6.2 magnitude ay yumanig sa Silangang Japan noong Huwebes, ayon sa Japan Meteorological Agency. Wala naman nabanggit na babala ng tsunami.
Ang lindol ay naganap dakong 4:30 ng umaga sa lalim na halos 30 kilometro, na nagrehistro lower 5 sa seismic intensity scale ng 7 sa Asahi, Prepektura ng Chiba, malapit sa Tokyo.
Walang agarang ulat ng pinsala o malaking sira mula sa pagyanig. Sinabi ng East Japan Railway Co na sinuspindi nito ang serbisyo sa mga seksyon ng linya sa Prepektura ng Chiba kasunod ng lindol.
Ang lindol ay naramdaman din mula sa gitnang Japan hanggang Northeastern Japan, na may medyo malakas na pagyanig sa kapital ng Japan at sa mga nakapaligid na lugar sa metropolitan.
Ang intensity lower 5 ay nangangahulugang maraming tao ang natatakot at nakaramdam ng pangangailangang humawak sa isang matibay at matatag na bagay.
Ang Prepektura ng Chiba at Ibaraki ay dumanas ng maraming lindol kamakailan.
Source: Japan Today
Join the Conversation