Layunin ng lungsod ng Yamato na ipag-bawal ang pag-gamit ng handphone habang nag-lalakad

Inaasahan namin na ang nasabing pag-ban ay mag-tataas ng kaalaman sa mga tao sa pinsalang maaring mangyari sanhi nito,”sabi ng opisyal. Makikita at malalaman ng mga tao ang nasabing batas sa pamamagitan ng mga posters at mga mensahe, ito ay inaasahang mapa-tupad sa susunod na buwan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLayunin ng lungsod ng Yamato na ipag-bawal ang pag-gamit ng handphone habang nag-lalakad

isa itong araw-araw na nangyayari sa buong mundo: mga pedestrian na nakatutok sa kanialng mga telepono habang naglalakad, na minsa`y nag-sasanhi ng aksidente at pagka-bangga. Dapat ito ay itigil na, sabi ng isang lungsod sa Japan.

Ang mga opisyal sa lungsod ng Yamato sa prepektura ng Kanagawa ang nag-pasa ng isang batas sa isang pag-pupulong ng lungsod nitong Lunes na ipatigil ang pag-gamit ng handphone habang ang mga tao ay nag-lalakad.

“ Dumarami ang mga taong gumagamit ng kanilang mga handphone at dumarami rin ang bilang ng naaaksidente dahil dito,” ani ng opisyal ng lungsod na si Masaaki Yasumi.

“Ito ay nais naming iwasan,” ani ng opisyal, dinagdag niya rin na kung ito ay mapapasa, ito ay ang kauna-unahang pag-ban sa bansa.

Ngunit sinabi ni Yasumi na walang magiging kaparusahan ang mga taong hindi mapipigilang hindi gumamit ng kanyang telepono sa kalsada.

“ Inaasahan namin na ang nasabing pag-ban ay mag-tataas ng kaalaman sa mga tao sa pinsalang maaring mangyari sanhi nito,”sabi ng opisyal. Makikita at malalaman ng mga tao ang nasabing batas sa pamamagitan ng mga posters at mga mensahe, ito ay inaasahang mapa-tupad sa susunod na buwan.

Nuong taong 2014, ayon sa pag-sasaliksik ng Japanese mobile giant NTT Docomo, ang estimated field of vision ng isang pedestrian habang nakatutok sa kanyang handphone ay 5% lamang.

Ang kumpanya ay nagsa-gawa ng isang computer stimulator na kung ano ang maaaring mangyari kapag mayroong 1,500 katao ang mag-lalakad sa papular na Shibuya pedestrian crossing sa Tokyo habang sila ay gumagamit ng kanilang smartphones.

Ipinakita ng resulta na 2/3 ng mga tao ay hindi maka-tatawid sa kabila ng hindi madidisgrasya, mayroong 466 na pag-babanggaan, 103 katao na nadapa at 21 naman ang naka-hulog ng kanilang mga telepono.

Tumataas rin ang bilang ng mga aksidente sa bansa sa pagitan ng mga taong gumagamit ng kanilang smartphone habang nag-bibisikleta at mga taong nag-lalakad.

May mga kaso rin na humihingi ng kabayaran na aabot sa 100 milyong yen o 1 milyong dolyares ang mga pamilya ng mga napinsala.

Source and Image: JapanToday

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund