Ang Japanese Pediatrician na si Kawasaki Tomisaku na nakadiskubre sa Kawasaki Disease – nuong taong 1967 isang syndrome ng pamamaga ng daluyan ng dugo sa mga bata sa hindi alam na kadahilanan, ay pumanaw sa edad na 95 anyos.
Ayon sa Japan Kawasaki Disease Research Center ang doktor ay pumanaw nuong ika-5 ng Hunyo sa isang hospital sa Tokyo dahil sa katandaan.
Si Dr. Kawasaki Tomisaku ay ipinanganak sa Tokyo noong 1925. At habang nagtatrabaho sa Department ng Pediatrics sa isang sangay ng Japanese Red Cross Medical Center, napansin ng doktor ang ilang batang pasyente na may mataas na lagnat, may mga pantal sa kanilang katawan at may mga namamagang dila na ini-halintulad sa mga strawberries.
Sa unang pagkakataon iniulat ni Dr. Kawasaki ang mga sintomas ng 50 pasyente bilang bagong sakit na walang kilalang sanhi at kalaunan kinilala ng buong mundo bilang “Kawasaki Disease” .
Mahigit sa 15,000 katao ang nagkakaroon ng sakit na ito sa Japan bawat taon, ang ilang pasyente nag-kakaroon ng problema sa puso.
Si Kawasaki ay namuno at bumuo ng Health Ministry, isang grupo na nagsisiyasat upang masubukang matukoy ang mga sanhi ng sakit upang makabuo at makahanap ng mga pamamaraan para makatulong sa tamang diagnosis at agaran paggamot.
Matapos magretiro mula sa Japanese Red Cross Medical Center nuong taong 1990, nagsilbi si Dr. Kawasaki bilang pinuno ng Japan Kawasaki Disease Research Center kung saan niya ipinagpatuloy ang kanyang pananaliksik habang nagbibigay ng payo sa mga pasyente at kanilang mga magulang.
Ang sakit ay pumukaw ng panibagong attention dahil sa mga ulat na nagmula sa mga bansang nasa Kanlurang bahagi ng mundo na kung saan may ilang bata na may coronavirus ay nakitaan ng pamamaga sa iba’t ibang bahagi ng kanilang organs – mga sintomas na katulad ng sa ” Kawasaki Disease”.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation