KANAGAWA (TR) – inaresto ng Kanagawa Prefectural Police ang 54 anyos na lalaki sa umano`y kaso ng pag-nanakaw sa isang post office sa Yokohama City nuong nakaraang taon, mula sa ulat ng NHK (June 2).
Nuong ika-30 ng Disyembre, si Teruhiko Katsurada isang pansamantalang empleyado, ay pumasok sa Yokohama Higashiyamata Post Office na may hawak na pinaniniwalaang isang baril.
“Ibigay niyo sa akin ang pera kunmg hindi papatay ako,” sinabi umano ni Katsurada sa isang staff member. Agad na ito ay tumakas bitbit ang 1.024 milyong yen na pera.
Ayon sa pulis, wala namang napinsala sa insidente.
“ Wala akong natatandaang ganyang pangyayari,” ani nito sa mga pulis at pilit na itinatanggi ang alegasyon laban sa kanya.
Si Katsurada na isang residente sa Miyamae Ward ng Kawasaki City. Nang nangyari ang insidente, ito ay naka-suot ng itim at naka-takip ang mukha.
Siya ay naging person of interest nang makita sa kuha ng isang security camera ang isang lalaki na kamukha nito na tumakas gamit ang isang motor na siya namang nakita sa isang lugar malapit sa kanyang tahanan.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation