TOKYO
Isang 30-taong gulang na babysitter ang naaresto sa pangmo-molestya sa isang 5-taong-gulang na batang babae na inaalagaan nito, sinabi ng pulisya.
Ang suspek na si Ken Arai, ay inupahan bilang isang babysitter noong Abril, iniulat ng Fuji TV. Inakusahan siyang gumawa ng sekswal na pang aabuso laban sa batang babae habang inaalagaan niya ito sa apartment ng kanyang pamilya sa Tokyo’s Meguro Ward at sa isang pampublikong banyo sa isang parke kung saan pinasyal niya ito.
Sinabi ng pulisya na na-hire siya ng nanay ng batang babae sa walong okasyon noong Abril at Mayo dahil kailangan ng nanay na magtrabaho at ang daycare center na pinapasukan ng anak niya ay sarado dahil sa coronavirus.
Sinabi ng pulisya na si Arai, na naaresto noong Hunyo 12, ay mayroong nursery school and kindergarten teacher certification at nakarehistro ang kanyang mga serbisyo sa isang babysitting app noong Hulyo 2018. Mula noong marami siyang natanggap na trabaho sa maraming okasyon upang alagaan ang mga bata. Sinabi ng pulisya na inamin ni Arai ang akusasyon laban sa kanya at ang dahilan daw ay hindi niya makontrol ang kanyang pagnanasa.
Ang isa pang lalaking babysitter, si Akinori Hashimoto, 28, na nakarehistro sa parehong smartphone app, ay naaresto dahil sa sekswal na pag aabuso sa hindi bababa sa tatlong mga batang lalaki.
Sinabi ng pulisya na ang app ay nasuspinde simula noong Hunyo 4.
© Japan Today
Join the Conversation