Tokyo- Isang 48 anyos na lalaki ang namatay matapos siyang makaladkad ng isang sasakyan na minamaneho ng isang lalaki sa Shinjuku Ward noong Lunes. Ang driver ng nasabing sasakyan ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya, ayon sa ulat ng Yomiuri Shimbun ( Hunyo 23).
Dakong 3:25 ng hapon, si Azumi Shigeta, isang empleyado ng kumpanya at si Hiroshi Toyota ,isang 62 anyos na negosyante, ay nagtalo sa malapit sa tirahan ni Shigeta sa lugar ng Nishiochiai.
Dalidali namang pumasok si Toyota sa loob ng kanyang sasakyan at agad itong pinaandar habang hawak ni Shigeta ang pinto at nakaladkad ito ng may 10 metro bago sumalpok sa isang konkretong poste.
Nagtamo ng matinding tama sa bungo si Shigeta na naging sanhi ng kanyang pagkamatay ng gabi ding iyon, ayon sa ulat ng pulisya.
Matapos ang insidente, tumakas si Toyota sa eksena. Gayunpaman, ginamot ng kapulisan ang footage ng isang security camera upang matuntun ang kaniyang sasakyan.
Martes, inaresto si Toyota sa salang frustrated murder.” Mayroong kaming naging pagtatalo dahil sa batas trapiko, pero hindi ko maalalang may nasaktan dahil nakaladkad ng sasakyan.”
Bago pa ang insidente , ipinarada ni Toyota ang kotse sa harap ng tirahan ni Shigeta upang makapamili sa supermarket kung saan ang dalawang indibendwal ay nagtalo.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation