Lalaki na nasa kustodia matapos matuklasan ang bangkay ng kanyang ina sa kanyang tirahan , muling naaresto dahil sa pension fraud

Mayroong kuha ng cctv sa loob ng isang banko na nagpapakita ng isang lalaki na pinaniniwalaang si Suzuki ay nag-wiwithdraw ng pera mula sa account ng ina.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Lalaki na nasa kustodia matapos matuklasan ang bangkay ng kanyang ina sa kanyang tirahan , muling naaresto dahil sa pension fraud

Shizuoka- Hunyo 16, ulat ng Sankei Shimbun, isang 57 taong lalaki ang nasa kustodiya sa pag-abandona ng labi ng kanyang ina sa loob ng kanilang tirahan sa Lungsod ng Shizuoka, ang naturang lalaki ay muling naaresto sa suspisyon ng pension fraud , ayon sa pulisya.

Noong Marso, inaresto ng pulisya si Katsuya Suzuki, walang trabaho, dahil umano’y pag-abandona ang bangkang ng kanyang ina sa loob ng kanilang tirahan sa Shimizu Ward.

Ayon sa kasalukyang pagiimbestiga, kinasuhan ng Shimizu Police Station si Suzuki ng pag-kolekta ng mga pensyon para sa kanyang ina na may kabuuang halaga na umaabot sa 2 milyon yen mula nuong 2018 at 2019.

Dagdag pa ng pulisya, mayroong kuha ng cctv sa loob ng isang banko na nagpapakita ng isang lalaki na pinaniniwalaang si Suzuki ay nag-wiwithdraw ng pera mula sa account ng ina.

Hindi inihayag ng pulisya kung umamin ang suspek sa pinaka-bagong kaso na inihain sa kanya. Ang inakusahan ay kasalukuyang nasa kustodiya dahil sa pag- abandona sa isang bangkay nuong Abril.

Ayon pa sa pulisya, ang ina ng suspek ay namatay dahil sa isang sakit sa eded na 89 noong Nobyembre 2016. Pagkatapos neto pinaniniwalaan umalis si Suzuki sa kanilang tahanan upang maniraham sa ibang lugar, Isang empleyado ng kumpanya na namamahala ng mga kabahayan ang siyang nakatuklas sa labi ng matandang babae noong nakaraang Nobyembre.

Source: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund