Lalaki, 48, hinihinalang sangkot sa mga insidente ng paghablot ng mga bag

Ginawa ko ito para magkaroon ng karagdagang panggastos.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki, 48, hinihinalang sangkot sa mga insidente ng paghablot ng mga bagTokyo – Iniulat ng TBS News ( Hunyo 18), ang pagkaaresto ng Tokyo Metropolitan Police, sa isang lalaki, 48 anyos na pinaghihinalaang sangkot sa mga insidente ng bag-snatching sa Tokyo.

Noong Abril 3, si Hideyuki Kashima, isang part-time na manggagawa, ay gumagamit ng motorsiklo upang makalapit sa isang babae, edad 62, mula sa likuran ng kalsada sa Minamihanahata sa lugar ng Adachi Ward.

At sa kanyang pagbaybay sakay ng kanyang motor, agad niyang hinablot ang bag ng nasabing babae na naglalaman ng 58,000 yen.

” Ginawa ko ito para magkaroon ng karagdagang panggastos”, saad ni Kashima sa kanyang pagamin sa kapulisan.

Ayon sa mga pulis, naging person of interest si Kashima matapos ang eksiminasyon ng mga security camera footage.

Umamin si Kashima na nagsagawa ng dalawang magkatulad na insidente ng panghahablot ng bag sa kalapit na prepektura ng Saitama. Kasalukuyang nagsisiyasat ang kapulisan kung siya ay nasa likod din ng tatlo pang magkakahiwalay na insidente sa Adachi na naganap noong Enero.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund