Tokyo- Nasa 900 na mga mag-asawa ng sexual minorities ang kinilala sa Japan mula noong 2015 nang magsimula ang ilang lokal na pamahalaan na magpalabas ng Certificate of Partnership, ulat ng Kyodo News mula sa kanilang survey.
Ang bilang ng mga sertipikadong tomboy, bakla. bisexual at transgender ay mabilis na tumaas. Nuong 2019 lamang, nang matapos ang Marso, ang bilang ay tumaas ng 496, ayon sa datus na sumasakop sa dalawang prepektura at 45 munisipalidad na naglungsad ng kani-kanilang certification system ng Abril 1.
Ito ay nagmumungkahi sa kamalayan ng publiko sa mga mag-asawa ng LGBT sa Japan,ngunit ipinapakita din ng survey na ang mga benepisyo na inaalok sa sa kanila ay limitado. Sa Japan, ang kasal sa parehong kasarian ay hindi kinikilala at ang nasabing sertipiko ay hindi magagamit sa usaping legal.
Ang paglulungsad sa sistemang ito ay nagsimula sa Shibuya at Setagaya Ward sa Lungsod ng Tokyo noong Nobyembre 2015.
Ang Lungsod na Osaka ay naglabas ng mga sertipiko sa 187 na mag-asawa,ang pinakamadami sa lahat ayon sa survey ng mga lokal na pamahalaan. Pumapangalawa ang ang Setagaya na may 117, kasunod ang Sapporo na may 88.
Sa ibang kaso,ang mag-asawang LGBT ay may mga benepisyo gaya ng pag-apply para sa public housing. Ngunit nahaharap sila sa problema makakalap ng impormasyong medikal kung magkasakit ang kanilang kabiyak kahit pa sila ay may sertipikasyon. Ang mga ospital ay karaniwang nagbibigay ng naturang impormasyon sa mga miyembro ng pamilya.
Bilang karagdagan, dahil sa hindi pagkilala ng karamihan sa mga lokal na pamahalaan sa kanilang sertipiko, ang mga mag-asawang LGBT ay kailangang dumaan sa mga bagong pamamaraan at proseso kung sila ay maglilipat sa ibang lungsod.
Upang matugunan ang problema, ang ilang mga awtoridad ay may kasunduan upang maialis ang pangangailangan na iyon.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation