TOKYO – Ang isang panel ng gobyerno ng mga eksperto ay nagsiwalat ng isang bagong panukala noong Hunyo 15 upang himukin ang mga dayuhan na naninirahan ng ilegal o overstayers sa Japan na kusang umalis ng bansa, habang nagpapatupad din ng isang sistema ng parusa para sa mga hindi sumusunod, bilang bahagi ng isang scheme upang ma-dissolve ang long term detention sa mga dayuhan.
Ang Immigration Services Agency ay nagsagawa ng mga talakayan para sa pagbabago ng kasalukuyang batas sa imigrasyon pati na rin ang iba pang mga pagbabago sa istruktura, batay sa isang pangwakas na report na isusumite sa Ministro ng Hustisya sa first week ng Hulyo.
Ang panel ng mga eksperto ay pinamamahalaan sa ilalim ng Immigration Services Agency ng Japan, at binubuo ng 10 miyembro kabilang ang mga propesor sa unibersidad, abogado, doktor, at tagasuporta ng mga refugee. Napag-usapan ng panel ang mga isyu sa detention at pag deport ng imigrasyon mula noong Oktubre 2019 habang nakikinig sa mga opinyon ng mga kaugnay na partido at inspeksyon sa mga pasilidad sa imigrasyon.
Sa pagtatapos ng 2019, mayroong 1,054 na mga dayuhan ang nakakulong sa mga pasilidad sa imigrasyon sa 17 na mga lokasyon sa buong bansa, 462 na indibidwal ang nanatili doon nang anim na buwan o mas mahaba, ayon sa Immigration Services Agency.
(Japanese original ni Takakazu Murakami at Asako Takeuchi, City News Department)
Join the Conversation