Share
Magbibigay ang Japan ng 300 milyong dolyar sa isang pang-internasyonal na grupo na nakatuon sa pagdevelop ng vaccine para sa covid-19.
Ito ay bilang tugon sa panawagan ng grupong Gavi, ang Vaccine Alliance, para sa internasyonal na pamayanan para sa pagpopondo upang makabuo ng bakuna at iba pang mga pagsisikap na harapin ang coronavirus.
Nauna nang ipinangako ng gobyerno ng Japan ang 100 milyong dolyar sa samahan, ngunit nagpasya na dagdagan ang kontribusyon nito ng 200 milyong dolyar.
Plano ni Punong Ministro Abe Shinzo na ibalita ang suportang pinansyal sa isang mensahe ng video na ipapalabas sa pulong ng alyansa na gaganapin sa Huwebes.
NHK World
Join the Conversation