Tokyo- Plano ng Japan Airlines Co (JAL) na magbigay ng hangggang sa 150,000 yen sa special allowances sa ilang 36,000 katao , o halos lahat ng empleyado ng carrier at mga iba pang kumpanya nito, sa unang bahagi ng Hulyo, ayon sa kumpanya nuong Linggo.
Ang panukalang ito ay inilalaan upang mapalakas ang moral ng mga empleyado, plano din ng airlines na ipamahagi ng maaga ang kalahati ng kanilang summer bonuses mula sa nakaraang tao dahil sa pagbasak ng taonang kita sanhi ng coronavirus pandemic, dagdag pa ng kumpanya.
Si Chairman Yoshiharu Ueki at President Yuji Akasaka ay parehong hindi makakatambak ng nasabing bonus, habang ang iba pang executive ay makakatangap ng kanilang bonus ngunit bawas ng 70%.
Ang kabuuan ng nasabing allowance ay aabot ng 5 bilyong yen, at inaasahan ng JAL na makatulong ang pera makabawi sa communications at ibang pang gastusin na naka-link sa kanilang teleworking.
Mula noong Marso, hinihikayat ng kumpanya ang mga empleyado na magtrabaho mula sa bahay, na naglalayong bawasan ang rate ng tao sa pagpasok sa opisina ng 60% o mas mababa.
Sa unang quarter ng 2020, nagtala ang JAL ng net loss ng 29.9 bilyong yen, na nanatiling pula sa loob ng apat na quarters sa kauna-unahang pagkakataon mula ng magre-list ito noong 2012.
Nitong Biyernes, sinabi ng JAL na sila ay kumakalap ng 500 bilyon yen mula sa mga lenders upang palawakin ang katayuan ng kumpanya sa usapin ng pananalapi, habang tinatahak ang matinding pagbaba ng kanilang kita dahil sa pandemya.
Tulad din ng iba pang mga airline, malaki ang kabawasan ng JAL sa domestic at international flights.
Ngunit inaasahan pa din nitong makakita ng pagbawi sa mga bilang ng pasahero buhat sa domestic flights simula sa buwang ito, matapos magluwag ng gobyerno sa mga huli at natitirang panukala na nagrerekuminda laban sa inter-prefecture travel.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation