JAL ganap nang muling mag-bubukas ang Domestic Terminal sa Haneda

Ang operasyon ay may mas kaunting pasahero dahil ang middle seats ay pinapa-natiling hinde okupado upang matiyak ang distansya sa pagitan ng mga pasahero.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJAL ganap nang muling mag-bubukas ang Domestic Terminal sa Haneda

Napag-pasyahan ng Japanese Airlines na muling buksan ang Terminal 1, para sa Domestic Flights sa Haneda Airport ng Tokyo sa ika- 1 ng Hulyo, dahil sa pag-dagsa ng mga pasaherong mag-sisimulang maglakbay simula ng ma-lift ang State of Emergency nuong Mayo 25 sa Japan.

Matatandaang isinara ng naturang airlines ang Northwing lobby nito nuong Abril matapos bumuhos ang maraming pasahero dahil sa pandemya.

Patuloy na nagsasagawa ng ang airlines ng mga serbisyo sa Southwing lobby ng nasabing paliparan para sa pag-check in at security screening services.

Simula sa Hulyo 1, mag-babalik operasyon ang anim na mga security screening gates sa Terminal 1.

Ang Japanese Airlines ay kasalukuyang naglalagay ng Thermography Equipment sa dalawang security gates sa Northwing ng paliparan upang ma-obserbahan ang temperatura ng mga pasahero.

Ayon pa sa JAL, ang ilang flights ay fully booked na mula nuong simula ng Hunyo. Ang operasyon ay may mas kaunting pasahero dahil ang middle seats ay pinapa-natiling hinde okupado upang matiyak ang distansya sa pagitan ng mga pasahero.

Samantalang , hindi pa napapagpasyahan kung ang Terminal 2, na ginagamit ng ibang airlines tulad ng Nippon Airways, Solaseed Air at iba pang airlines para sa domestic flight ay ganap na maka-babalik ng operasyon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund