Iwate- Ayun sa pahayag ng TV Asahi (Hunyob29) , Isang bangkay ang natagpuan sa bulubundukin ng Oshu City na diumano’y ng isang babaeng nawawala nuong pang nakaraang taon.
Nuong Abril 29, isang lalake ang naglalakad sa Maesawaku Seibo ng Mt. Otowa, ang siyang nakakita sa bungo malapit sa kalsada. Ang mga pulis naman ang nakahanap sa iba pang parte ng katawan ng biktima.
Hindi pa malaman ng mga imbestigador ang eksaktong oras at sanhi ng pagkamatay ng biktima. Wala din personal na kagamitan o sapatos ang nagtagpuan sa pinangyarihan.
Nitong Biyernes, sinabi ng kapulisan na ang resulta ng DNA ay nakumpirma na pagmamayari ni Megumi Chiba, 36- anyos, isang medical clerk na nakatira sa Ichinoseki City.
Si Chiba ay nasabing naninirahan kasama ang kanyang asawa, 36 anyo, at 4 na taong gulang na anak na lalaki. Bandang 6:00 ng umaga noong Mayo 31, 2019, sinasabing iniwan ni Chiba ang tirahan at maglakad matapos makipagtalo sa kanyang asawa.
Isang message lang ang nakitang naipadala ng asawa kay Chiba simula ng ito’y mawala mula sa kanyang line account na hindi pa nabasa.
Isang kakilala ni Chiba ay nagsabi sa Fuji News Network (Hunyo 29) na malamang buntis siya kapag siya ay nawala.
Nasa 20 kilometro ang layo ng distansya mula sa kanilang tahanan kung saan natagpuan ang mga labi ng biktima, dahil malayo at masukal ang lugar kung saan natagpuan ang bangkay itinuturing ito ng kapulisan bilang isang foul play.
Samantalang , isang mensahe naman ang natanggap ng kapulisan mula sa pamilya ng biktima, na nagpapahayag ng ” pagkabigla”, sa kasalukuyang imbestigasyon, ” Nais naming malaman sa lalong madaling panahon kung bakit nangyari ito.”
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation