Isininang-tabi ng gobyerno ang batas para retirement age ng mga taga-usig  

Upang matugunan ng maayos ang mga kumplikadong isyung administratibo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Tokyo- Ang Japanese Prime Minister na si Shinzo Abe ay nagba-balak na muling mag-sumite ng legislation upang madagdagan ang taon ng retirement age para sa mga prosecutors at iba pang civil servants ayon sa kanyang taga-pagsalita nitong Martes, matapos ang isang pampublikong backlash na nag-udyok sa pagka-basura ng unang draft ng pinapanukalang batas.

Sa natapos na Parliamentary Session nuong Miyekules, hindi natalakay ang batas na patungkol sa karagdagang taon sa pagre-retiro ng mga prosecutor at civil servants mula sa edad na 63 hanggang 65, at hayaan ang desisyon sa gabinete na ipagpaliban ang pagre-retiro ng karagdagang 3 taon.

Napag-debatehan ng mga kritiko na ang panukala ay maaaring mag-sanhi ng pagba-banta sa judicial independence.

Layon ng pamahalaan na muling isumite ang batas sa susunod na parliamentary session – ngunit hindi pa napapagpasyahan kung kailan, isinasa-alang- alang din na hindi ito maipapatupad sa mga prosecutors, ulat ng Nikkei Business Daily.

Sinabi ng Punong Gabinete na si Kalihim Yoshihide Suga na nais ng gobyerno na ang mga civil servants ay may maraming kaalaman at karanasan upang mapanatili ang kanilang trabaho, aniya, ” Upang matugunan ng maayos ang mga kumplikadong isyung administratibo.”
Dagdag pa ng Kalihim, ” Pinag-iisipan din ng pamahalaan ang muling pag-sumite ng panukalang batas habang isinasa alang – alang ang iba’t ibang pananaw patungkol dito.”

Ang dating nangungunang taga-usig ng Tokyo na si Hiromu Kurokawa, malapit kay Abe, ang naging sentro ng nasabing panukalang batas matapos siya magsilbi at manatili sa kanyang pwesto lampas sa edad na 63.

Si Kurokawa, ay nag-bitiw sa kanyang posisyon noong Mayo dahil sa isang isidenteng kanyang kinasangkutan tungkol sa pagsusugal sa kasasagan ng coronavirus lockdown ng Japan, kung saan sinusunod ng mamamayan ang alituntunin ng gobyernong ipatupad ang pag-sunod sa social distancing at pag-iwas sa hindi kinakailangang pag-labas upang makaiwas sa pagkalat ng virus.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund