Isang studyante, kumunsulta sa kapulisan bago mapatay ng isang kakilala

Pinayuhan ng mga imbestigador si Yamada ng mga tamang hakbang tungkol sa anti-crime prevention measures, ngunit hindi na sila muling nakarining ng balita sa dalaga.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang studyante, kumunsulta sa kapulisan bago mapatay ng isang kakilala

Shizuoka- Inihayag ng Shizuoka Prefectural Police na isang 19 taong- gulang na babae at mag-aaral sa unibersidad ang dumulog sa kanilang himpilan dahil sa stalker sa social media at matapos mapatay dahil sa saksak nitong Sabado sa Namazu.

Si Mirai Yamada ay nasaksak bandang 1:20 ng hapon habang naglalakad pauwi matapos ang kanyang part-time shift sa isang convenience store, iniulat ng Fuji TV. Narinig ng isang residente ang isang babaeng sumisigaw at humihingi ng tulong, kaya’t agad itong tumawag sa kapulisan. Ayon sa mga rumespondeng pulis sa pinangyarihan ng krimen, natagpuan si Yamada na nakahandusay sa lupa at duguan, agarang dinala sa ang biktima sa ospital at makalipas ang 2 oras, ito ay binawian na ng buhay.

Nasa kustodiya ng kapulisan si Aoi Hori na malapit sa pinangyarihan ng krimen. Ayon sa pulisya si Hori ay mula sa Mishima sa Prepektura ng Shizuoka, isa ding mag-aaral ng College of International Relations of Nihon University sa Mishima kung saan niya nakilala si Yamada.
Sinabi din ng pulisya na umamin si Hori sa krimen ngunit walang matuntunang motibo.

Sinabi ng Namazu Police na dumulog ang biktima sa kanilang himpilan noong Enero tungkol sa isang stalker sa social media ngunit hindi nito nabanggit kung si Hori ang stalker niya. Pinayuhan ng mga imbestigador si Yamada ng mga tamang hakbang tungkol sa anti-crime prevention measures, ngunit hindi na sila muling nakarining ng balita sa dalaga.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund