Isang nanay arestado sa attempted murder ng 5 month old na baby

Inaresto ng pulisya ng Shizuoka ang isang 33-taong-gulang na babae sa hinalang tangkang pagpatay sa kanyang 5 month old baby matapos na nagsunog siya ng charcoal briquette sa loob ng kanyang sasakyan kung saan silang mag-ina ay nakasakay. #Portal Japan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

SHIZUOKA

Inaresto ng pulisya ng Shizuoka ang isang 33-taong-gulang na babae sa hinalang tangkang pagpatay sa kanyang 5 month old baby matapos na nagsunog siya ng charcoal briquette sa loob ng kanyang sasakyan kung saan silang mag-ina ay nakasakay.

Ayon sa pulisya, ang babae, na isang nurse, ay nagplano ng isang murder suicide, iniulat ni Sankei Shimbun.

Sinabi ng pulisya na ang insidente ay nangyari noong gabi ng Hunyo 14. Ang babae, ay nasa isang kotse na naka-park sa isang kalsada sa Yugashima, Izu City, habang ang mga briquette ng uling ay nasusunog sa loob.

Gayunpaman, ang babae ay lumabas mula sa kotse habang hawak ang kanyang anak na babae. Nakita ng dalawang lalaki na nangigisda sa malapit na stream ang umuusok na sasakyan at ang mag-ina na balisang naglalakad lakad, agad naman silang nakipag-ugnayan sa pulisya.

Ang sanggol ay dinala sa isang ospital kung saan sinabi ng mga doktor na nasa ligtas at mabuti itong kondisyon. Ang babae ay naaresto noong Lunes matapos makalaya mula sa ospital.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund