OKAYAMA
Ang pulisya ng Okayama prefecture ay inaresto ang isang 34-taong-gulang na lalaki sa hinalang paglabag sa isang batas na nagbabawal sa muling pagbebenta ng mga facemask, sa pinaka unang kaso ng pag aresto sa Japan.
Ang batas ay ipinatupad noong Marso 15 bilang tugon sa mga mapagsamantalang mga tao at businesses na nagbebenta ng facemask ng napaka mahal sa kabila ng kakulangan nito.
Inaresto si Junki Fujii, isang miyembro ng board ng isang kumpanya sa paglilinis ng bahay sa Takamatsu City, Kagawa Prefecture, noong Lunes dahil sa pagbenta ng 70,000 mask na binili niya mula sa isang import noong Abril 29, iniulat ng Sankei Shimbun. Sa oras na iyon, si Fujii ay nagbayad ng 44 yen bawat mask na umabot ng 3.08 milyong yen.
Pagkatapos ay ibinenta niya ang 14,000 na mask sa isang kakilala sa sa Okayama City para sa 49.5 yen bawat isa (isang kabuuang 693,000 yen). Bilang karagdagan, si Fujii ay nagbenta ng 2,000 mask sa isa pang lalaki sa Kurashiki City para sa 50.6 yen bawat piraso (isang kabuuang 101,200 yen).
© Japan Today
Join the Conversation