Isang lalaki ang inaresto matapos nitong ikulong ang anak sa loob ng washing machine

Sinabi ng pulis na inamin ni Hoshino ang pag-lagay sa kanyang anak sa loob ng washing machine ngunit hindi upang ito ay saktan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ayon sa mga pulis si Kenichi Hoshino, empleyado ng isang kumpanya ay inilagay ang bata sa loob ng washing machine bandang alas-8:00 ng umaga nuong Sabado, mula ulat ng Sankei Shimbun. Isinara niya ang pinto at iniwan ang bata sa loob hanggang alas-9:35 ng umaga.

Matapos nito, tumawag sa 911 si Hoshino at sinabi na naka-akyat ang kanyang anak at nakapasok sa loob ng washing machine at hindi maganda ang kalagayan. Ang bata ay isinugod sa ospital matapos ma-dehydrate. Itinawag ito sa mga pulis dahil sa posibleng kaso ng ng pang-aabuso.

Sinabi ng pulis na inamin ni Hoshino ang pag-lagay sa kanyang anak sa loob ng washing machine ngunit hindi upang ito ay saktan. Ang huli ay naninirahan kasama ang kanyang 28 anyos na asawa, 5 taong gulang na anak na babae at 3 taong gulang na anak na lalaki. Wala ang kanyang asawa at anak na babae nuong mga oras na nangyari ang insidente.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund