Tokyo- Ayon sa TBS News (Hunyo 20), isang kabayo ay namataang lumalangoy sa isang kanal sa Shinagawa Ward matapos makawala sa kaniyang kuwadra sa mula sa kalapit na race course.
Ayon pa sa Oi Racecourse, ang babaeng kabayo na si Sardana ay nakatakas habang pabalik sa kaniyang kuwadra matapos ang pagsasanay nito bandang 8:10 ng umaga. Ang 6 na taong na kabayo ay tumalon sa seawall at nahulog sa kanal.
Sa video footage na nakunan ng mga testigo, si Sardana ay dahan-dahang lumalangoy sa tubig. Tinatayang mga 20 minuto bago nakuha ng isang kawani sa karehan ang kabayo.
Walang naiulat na napinsala sa insidente. Gayunpaman, ang kabayo ay binigyan ng atensiyong medikal upang masuri kung mayroon itong tinamong hindi kapansin-pansin na pinsala.
Ito ang ikalawang insidente na kinasangkutan ng nasabing race course. Noong Mayo 25, isa pang kabayo mula sa karerahan ang nakatakas mula sa kuwadra at nagpalaboy sa lugar , di kalaunan ay sumalpok sa isang van.
” Lubos kaming humihingi ng paumanhin sa anumang pagalala ng mga kalapit na residente sanhi ng paulit-ulit na pagtakas ng mga kabayo” , saad ng representative ng karerahan.
Source: Tokyo Reporter
Video: YouTube
Join the Conversation