Isang Japanese University ang nag-bigay parangal sa kauna-unahang Ninja Studies Degree.

Mayroon ako gustong liwanagin, ito ay isang kurso upang mapag-aralan ang pagiging ninja at hindi maging isang ninja.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Sinabi ni Genichi Mitsuhashi na isinapuso niya ang pagiging ninja.

Tokyo- Ang Japan ay nagkaron ng kauna-unahang istudyanteng nagtapos ng Ninja Degree,matapos na ginugol ni Genichi Mitsuhashi ang dalawang taon na pagpapabuti at pagsasanay ng kanyang husay at talento sa martial arts at matutunan ang tradisyunal na istilo ng larangang ito mula sa mga feudal martial arts agents.

Ang 45 anyos ,ay nagtapos ng Master’s Course sa Mie University sa gitnang Japan, itinuturing ang lugar ng tahanan ng mga ninja.

Bilang karagdagan sa pagsasaliksik ng mga makasaysayang dokumento, sinabi ni Mitsuhashi sa AFP na isinagawa niya ang praktikal na aspeto ng pagiging isang ninja at isinapuso ito.
” Nabasa ko na ang mga ninja ay nagtatrabaho bilang mga magsasaka sa umaga at nagsasanay ng martial arts sa hapon.”, aniya.

Kaya’t si Mitsuhashi ay nagtanim at nagpalago ng mga gulay habang pinagaaralan ang kanyang istilo at teknik sa martial arts, maliban sa pag-aaral ng pamumuhay ng pagiging ninja sa loob ng silid-aralan.
” Sa kumbinasyon na ito, naisip ko naisasabuhay ko kung paano maging isang ninja,” dagdag pa niya.

Pamoso bilang mga nakaitim na assassins at sikat sa secrecy at stealth, at kilala ding ” komprehensibong survival skills”, aniya.

Si Mitsuhashi, ay nagaral din ng kung fu at isa pang kilalang japanese martial art na kilala bilang Shorinji Kempo, at nagtuturo din siya sa kaniyang sariling Dojo at nagpapatakbo din ng isang lokal inn habang tinatapos ang kanyang PhD.

Ang Mie University ay nag-setup ng unang sentro ng pananaliksik sa buong mundo na nakatuon sa ninja noong 2017 at binuksan ang isang graduate school matapos ang isang taon.

Matatagpuan ito sa Iga- 350 kilometro sa Timog- Kanlurang bahagi ng Tokyo- isang bulunduking lungsod kung saan nasasabing naging tahanan ng maraming ninja.

Si Yuji Yamada, isang propesor ng Japanese History sa unibersidad ang namamahala sa Ninja Center, ay namangha sa sa debosyon ni Mitsuhashi sa kanyang mga gawain.

” Nagbibigay kami ng mga klase sa kasaysayan at kurso sa mga kasanayan sa ninja. Ngunit hindi ko inaasahan na makibahagi siya tulad ng isang buhay na ninja” , saad ni Yamada.

Upang ma-enrol , ang mga magaaral ay kailangang kumuha ng pagsusulit sa kasaysayan ng Japan at isang pagsubok sa pagbabasa ng mga dokumento sa kasaysayan ng ninja.
” Halos tatlong mag-aaral ang nag-eenrol bawat taon. Sa palagay ko mayroong demand,” sabi ng propesor. ” Marami kaming inquiries mula sa iba’t ibang bansa, ngunit mayroon ako gustong liwanagin, ito ay isang kurso upang mapag-aralan ang pagiging ninja at hindi maging isang ninja”.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund