Isang binatilyo ang di umano’y nag-baril sa sarili sa kanyang tahanan

Ayon sa awtoridad may nakita silang revolver sa sahig ng kwarto. Wala pang nakikitang suicide note. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang binatilyo ang di umano'y nag-baril sa sarili sa kanyang tahanan

Isang 15 anyos na high school student ang di umano’y nag-baril sa sarili sa kanilang tahanan sa isang baranggay sa Tokyo.

Ayon sa mga pulis natagpuan ang binatilyo na duguan sa kanyang ulo nitong umaga ng Lunes, sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan sa Hachioji City. Siya ay isinugod sa ospital ngunit kalaunan ay kinumpirmang pumanaw na.

Ayon sa mga pulis, ang ina ng biktima ay nasa unang palapag ng kanilang tahanan nang makarinig ng isang putok bandang alas-8 ng umaga. Agad siyang tumakbo patungo sa itaas nang matagpuan na walang malay ang kanyang anak.

Ayon sa awtoridad may nakita silang revolver sa sahig ng kwarto. Wala pang nakikitang suicide note.

Ang tahanan ng binatilyo ay nasa isang komyunidad na malapit sa isang paaralan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund