Isang babae, natagpuang patay sa balkonahe.

Ayon pa sa pulisya ang ginang ay namumuhay ng mag-isa sa naturang apartment.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang babae, natagpuang patay sa balkonahe.

Osaka – Isang ginang na tinatayang nasa edad na 70 anyos ay natagpuang walang buhay sa balkonahe ng kanyang apartment nitong Linggo.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang katawan ng ginang dakong alas-2:30 ng hapon sa kanyang apartment sa Nishinari Ward, mula sa ulat ng Sankei Shimbun. Dagdag pa ng pulisya na ang babae ay may mga saksak sa katawan na pinag-hihinalaang ang isang gunting.

Isang kapitbahay ang nakakita sa katawan ng babaeng nakahandusay sa balkunahe at daliang tumawag sa 119.

Ayon pa sa pulisya ang ginang ay namumuhay ng mag-isa sa naturang apartment, ito ay natagpuang nakadapa at idineklarang patay sa pinangyarihan ng krimen. Ang sinasabing ginang ay nag-tamo ng saksak sa ulo sa bandang likod ng kanyang kanang tenga.

Sa imbestigasyon, sinasabing ang main door ng apartment ay naka-lock maliban sa bintana ng balkonahe, wala ding makitang motibo ng pagnanakaw o panloloob sa naturang residente.

Source: Japan Today

Image: Image Bank

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund