Tsukuba, Ibaraki — June 12, ayon sa Seven Eleven Japan Co. , isang 7-11 convenience store ay napilitang pansamantalang mag-sara matapos mag-sinungaling ng isang empleyado tungkol sa pag-sasabi na siya ay nag-positibo sa test ng novel coronavirus.
Nag-sara ang 7-11 Tsukuba Osuna branch sa Silangang bahagi ng Japan nuong Hunyo 9, matapos makatanggap ng maling ulat patungkol sa infection report, at muling mag-bubukas sa Hunyo 14. Binabalak ng kumpanya na mag-sampa ng kaukulang legal na aksyon laban sa empleyado.
Ayon sa Seven Eleven Japan, kinausap ng empleyado ang may ari ng nasabing branch nuong Hunyo 9, at sinabing , ” Nag-patest ako para sa coronavirus sa isang hospital na konektado sa isa ko pang trabaho dito sa Tokyo at nag-positibo ako sa virus ayon sa naging resulta”. Bilang tugon agarang nag-sarado ang tindahan upang maiwasan ang transmisyon o maisalin sa mga customer at empleyado, agad din isinagawa ang pag-didisinfect sa nasabing branch.
Hunyo 10, opisyal na inanunsiyo ang pagkakaroong ng infection ng isa sa kanilang empleyado at ang pansamantalang pag-sasara ng establisyamento, ngunit walang makalap na ebidensya ang lokal na pamahalaan ng Prepektura ng Ibaraki at maski ng Seven Eleven Japan Co. na totoong nag-positive sa covid test ang nasabing empleyado.
Noung Hunyo 11, ipinagtapat ng nasabing empleyado sa may ari ng establisyamento na siya ay nag-bigay ng maling ipormasyon tungkol sa kanyang test results, tuluyan ding inamin ng empleyado ang pasisinungaling na ginawa habang nag-sasagawa ang kumpanya ng imbestigasyon. Salaysay pa ng may ari ng tindahan , dagdag pa ng empleyado ” Naisip ko na magpalit na ng trabaho, ginawa ko ang nagawa ko bilang paraan upang huminto na ang trabaho ko dito”.
Humingi ng pasyensiya ang Seven Eleven Japan, ” Kami po ay humihingi ng paumanhin sa pag-anunsiyo na may kumpirmadong nagpositive sa aming empleyado na walang ibang naging basehan kundi ang verbal account ng taong kinikwestyon.”
At dagdag ng Pamahalaang Prepektural ” Ang insidenteng ito ay lumikha ng pag-kabalisa para sa mga tao sa Prepekturang ito na tunay na aming ikinalulungkot”.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation