Napag-desisyonan ng Justice Ministry ng Japan na luwagan ang ban sa re-entry ng mga dayuhan sa sitwasyon na nangangailangan ng humanitarian consideration.
Sa kasalukuyan, ang Japan ay nag-ban ng entry mula sa 111 bansa at teritoriyo upang maiwasan ang pag-kalat ng coronavirus. Ang ilang dayuhan na naninirahan sa Japan ay nag-aatubiling umalis ng bansa, kahit na dumalaw sa lamay ng kanilang kamag-anak, dahil sa takot na hindi na sila maka-pasok ng muli.
Inanunsiyo ng Foreign Minister Motegi Toshimitsu nuong nakaraang buwan na ikokonsidera nila na paluwagin ang entry ban sa ilang kaso na ang rason ay pang-humanitarian.
Nitong Miyerkules lamang, inilagay na ng Justice of Ministry sa kanilang website ang mga exceptions.
Ayon sa opisyal ng Immigration Services Agency, ang mga dayuhang residente na ang mga kamag-anak na nasa ibang bansa ay pumanaw o kinakailangan na magpa-follow-up check-up sa abroad matapos magpa-opera ay papayagang muling maka-pasok sa bansa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation