Pinayagan ng Health Ministry ng Japan ang pag-gamit ng laway upang magsa-gawa ng PCR test para sa coronavirus, bilang karagdagang sa kasalukuyang pamamaraan na pag-swab sa ilong.
Inaprubahan ng ministro ang binagong test manual nuong Martes na ang bagong test kit ay iko-cover ng health insurance.
Ayon sa isang pag-aaral ng ministro ipinapa-kita rito na kung ang isang pasyente ay sinuri sa loob ng 9 na araw na ito ay nag-papakita ng simtomas, ang magiging resulta nito ay maaaring maging katulad ng resulta ng kasalukuyang ginagamit na pamamaraan.
Kung-kaya`t ang pag-susuri gamit ang laway ay gagamitin lamang sa mga pasyenteng nag-pakita na ng simtomas sa loob ng siyam na araw.
Sa ilalim ng kasalukuyang pamamaraan na nose-swabbing method, ang mga healthcare workers ay kinakailangang magsagawa ng masinsinang hakbang upang mag-ingat at ang mga medical institution ay kinakailangang siguraduhing ligtas ang mga manggagawa at maka-kuha ng mga supplies.
Ang bagong pamamaraan ay pinaniniwalaang mas madali at mas ligtas, at inaasahan na maaaring magsa-gawa ng mas maraming pag-susuri sa mga pasilidad.
Sinabi ni Health Minister Kato Katsunobu sa mga mamamahayag na naniniwala siya na ang pag-susuri na gagamit ng laway ay labis na makaka-bawas sa pasanin ng mga pasyente at medical institutions.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation