Inaasahan ang malakas na pag-ulan sa Kanluran at Silangang bahagi ng Japan

Nagbabala ang naturang ahensya sa mudslides, pagbaha sa mga mabababang lugar pati na din ang pagkidlat at malakas na hangin, kung kaya hinihimok ng ahensya ang mga residente na pag aralan ang kanilang hazard maps at maghanda sa paglikas.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspInaasahan ang malakas na pag-ulan sa Kanluran at Silangang bahagi ng Japan

Ayon sa mga weather officials, may pagba-badya ng malakas na pag-ulan sa Kanluran at Silangan bahagi ng Japan nitong Biyernes, at nag-baba ng babala sa mudslides at pag-baha.

Ayon pa sa Meteorological Agency may namataang front na kasing haba ng rehiyon ng Honshu at mainit na hangin na nagsa-sanhi ng pagiging unstable ng kundisyon sa atmospera sa malawak na bahagi ng Kanluran at Silangang Japan.

Sa isang banda, ang ibang lugar sa Rehiyon ng Kyushu ay nakakaranas ng pag-basak ng ulan. Samantalang, sa Lungsod ng Nagasaki naitalang 31 millimeters ang ulan sa loob ng isang oras nuong Huwebes ng umaga.

Inaasahang nasa higit 50 millimeters ng ulan bawat oras ang maaring bumuhos sa mga ilang lugar sa Kanluran at Silangang Japan. At sa loob ng 24 oras aabot ang pag-ulan hanggang sa 300 mm ang inaasahan sa Rehiyon ng Kansai, samantalang 250 millimeters naman sa Hilagang bahagi ng Kyushu at Shikoku at aabot ng 200 mm ang sa Timog Kyushu at Tokai.

Tinatayang aabot ng 150 mm ang inaasahang pag-ulan sa Rehiyon ng Kanto-Koshinetsu at 120 mm sa Chugoku at Hokuriku.

Nagbabala ang naturang ahensya sa mudslides, pagbaha sa mga mabababang lugar pati na din ang pagkidlat at malakas na hangin, kung kaya hinihimok ng ahensya ang mga residente na pag aralan ang kanilang hazard maps at maghanda sa paglikas.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund