Kumpirmadong nahawaan ng new coronavirus ang ilang mga-aaral sa isang lokal na paaralan sa Kita-kyushu.
Kinumpirma ng mgha opisyal ng lokal na pamahalaan ang 12 bagong kaso ng virus nitong Linggo, kabilang dito ang 4 na mag-aaral ng Moritsune Elementary school sa Kokura-Minami district ng lungsod.
Ang isang kamag-aral ng 4 na batang may sakit ay napag-alamang nahawa na nuong Huwebes.
Ang ilang mga paaralang elementarya at Junior High School ay pansamantalang ipinasara matapos makumpirmang nag-positibo sa pag-susuring ginawa ang ilang mag-aaral nito.
Nag-sabi na ang Lupon ng Edukasyon ng lungsod na suriin ng mabuti ang temperatura at kondisyon ng kalusugan ng mga mag-aaral sa mga paaralang elementarya at Junior High School.
Ayon sa isang opisyal ng lungsod, kahit sino ay maaaring mahawaan ng sakit, ang mga batang nagkaroon ng nasabing sakit ay dapat protektahan dahil posibleng ito ay makaranas ng diskriminasyon at pangbu-bully.
Ang bilang ng mga kaso ng coronavirus sa Kita-kyushu ay umabot na sa mahigit 97 kaso sa loob lamang ng nakaraang 9 na araw. Hindi pa malaman kung saan nag-mula ang 34 kaso rito.
Nuong Sabado, humiling si Fukuoka Prefectural Governor Ogawa Hiroshi sa Health Minister na sila ay padalhan ng antigen test kits para sa coronavirus. Ang mga ito ay ipamamahagi sa mga lokal na ospital sa Kita-kyushu.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation