Ibaraki- Ayon sa Sankei Shimbun ( Hunyo 25), nag-lunsad ang Ibaraki Prefectural Police ng isang imbestigasyon matapos matuklasan ang tatlong bangkay sa loob ng isang tirahan sa bayan ng Shirosato noong Huwebes.
Dakong alas-4:10 ng hapon , nakatanggap ng tip ang kapulisan at pinasok ang kabahayan at duon natagpuan ang mga nabubulok na katawan sa sala.
Ayon sa pulisya, ang isang katawan ay nakabitin sa isang medical-related na aparato, ang isa ay nasa sahig at ang pangatlo ay nakaupo sa isang sopa.
Ang mga damit sa katawan ng mga labi ay walang bahid sugat, batay sa stage of decay ang tatlong bangkay ay pinaniniwalaang namatay nang hindi bababa sa isang linggo na ang nakalilipas.
Ang mga residente ng tahanan ay isang babae na nasa edad 70- 80 anyos, at ang kanyang dalawang anak na babae na may edad 30 hanggang 50 anyos, sabi ng pulisya.
Ang mga opisyal ay pumasok sa tirahan matapos makatanggap ng tawag mula sa isang kapitbahay na iniulat na hindi nila nakikita ang mga residente ng ilang buwan.
Wala naman palatandaan ng sapilitang pagpasok o panloloob ng tirahan, kaya ang angulong murder- suicide ang kanilang tinitingnan.
Sinisikap ng kapulisan makumpirma ang pagkakakilanlan ng mga labi.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation