Ang Honda Motor na kilalang bilang isang Japanese Automaker ay pansamantalang itinigil ang operasyon dahil sa naging problema ng kumpanya na di umano’y cyberattack sa kanilang Internal Computer System nitong Lunes.
Ayon sa Honda, ang glitch ay naganap makalipas ang ilang sandali tapos mag alas-9 ng Lunes ng umaga. ” Hindi makapag palitan ng emails ang mga empleyado gamit ang internal network at ang system na gina-gamit sa pag- rehistro ng mga kargamentos na dapat ma-inspeksyon ay hinde na din gumana”, dahil sa mga kadahilanang ito napilitan ang kumpanya na suspindehin ang pagde-deliver sa tatlong planta ng Honda sa Japan, na siyang nag-balik operasyon kinahapunan.
Ang mga opisyal ng kumpanya ay limitado sa pag-access sa network ng computer system nuong Martes, habang nag-tatrabaho at nag iimbestiga para matukoy ang sanhi ng nasabing problema.
Maraming mga empleyado sa pangunahing tanggapan ng Honda ang kasalukuyang nagta-trabaho mula sa bahay, pero binigyan sila ng companya ng paid leave nuong Martes, dahil sa hindi magamit na mga computer.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation