Hiroshima: Kakilala ng nawawalang babae , nag-bigay daan upang matutunton ng kapulisan ang bangkay

Sinabi ni Morioka sa pulis na napaaway siya sa isang sasakyan, pagkatapos ay kanyang inihagis sa ilog ang mobile phone ng babae.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspHiroshima: Kakilala ng nawawalang babae , nag-bigay daan upang matutunton ng kapulisan ang bangkay

Hiroshima- Natuklasan ng Hiroshima Prefectural Police ang isang bangkay na malamang ay ang isang babaeng nawawala sa kabundukan ng Hatsukaichi City, matapos makuwestyon ang isang kakilala nitong lalaki, ulat ng Sankei Shimbun.

Ang babae ay tinatayang nasa edad 60, ay nawawala noong pang Marso. Si Toshifumi Morioka, walang trabaho, ay naging person of interest ng pulisya sa pamamagitan ng mga iba pang naging kakilala ng yumao.

“Inilibing ko ang bangkay sa isang butas”, saad ni Marioka sa mga pulis. At noong Hunyo 15, natagpuan ng mga imbestigador ang mga labi ng isang babae na may sapat na gulang na nakalibing sa nasabing kabundukan.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang pagkakalinlanlan ng biktima, plano ng kapulisan ang magsa-gawa ng awtopsiya upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay.

Noong Hunyo 14, naakusahan si Morioka ng Fraud. Sinasabing siya diumano’y naglustay ng 53,000 yen na kita ng isang Acupuncture Clinic na kanyang pinapatakbo sa Lungsod ng Hiroshima sa pagitan ng Hulyo at Oktubre, At ang kanyang pag-amin sa salang paglibing sa bangkay ang naging dahilan sa kanyang pagkaaresto.

Sinabi ni Morioka sa pulis na napaaway siya sa isang sasakyan, pagkatapos ay kanyang inihagis sa ilog ang mobile phone ng babae, ayon sa Hiroshima Telecasting.(Hunyo 17)

Pinag-sususpetsiyan din si Morioka sa pag-patay sa babaeng biktima, patuloy pa din ang imbestigasyon sa mga kasong pag-abanduna sa isang bangkay at murder.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund