Tokyo- Pinabulaanan ng Japanese Foreign Minister Toshimitsu Motegi na hindi totoong nakapag- desisyon na ang gobyerno itaas ang Entry Ban sa bansa nuong Lunes.
Ang nasabing panukala ay ipinatupad upang maiwasan ang pag-kalat ng coronavirus mula sa ibang bansa.
Pahayag ng The Yomiuri Daily nuong nakaraang Linggo na ang Japan ay maari nang mag-bukas ng business trips patungo at mula sa mga bansang Australia, New Zealand, Vietnam at Thailand sa mga susunod na buwan.
Patuloy na sinusuri ng gobyerno ang mga paraan upang mapagaan ang Entry Bans sa pagsaalang-alang ng iba’t ibang mga kadahilanan na kumprehensibo, at ang mga paghihigpit na ito sa mga yugto kung mapagpasyahan gawin ang mga ito, saad ni Motegi sa parlyamento.
Sumang-ayon si Montegi, sa mga kinatawan mula sa Vietnam, Australia at New Zealand upang talakayin ang posibilidad na pahintulutan ang mga paglalakbay sa mga mangangailangan nito, aniya ngunit hindi malinaw kung ano ang ibig sabihin nito.
Source: Japan Today
Join the Conversation