Share
TOKYO
Ang founder ng Hello Kitty company na Sanrio ay nag retire na sa edad na 92 at ibinigay ang posisyon sa kanyang 31-taong-gulang na apo – ang unang pagbabago sa pamumuno sa kasaysayan ng anim na dekada ng kumpanya.
Ang Sanrio na nakabase sa Tokyo, na lumikha ng hello kitty noong 1974, ay inihayag noong Biyernes na si Shintaro Tsuji ay magretiro bilang pangulo at ipapasa ang posisyon kay Tomokuni, na naging senior managing director.
Nagkataon na magkaparehas pa ng birthday ang bagong boss at si Hello Kitty – Nobyembre 1 – ngunit 14 na taong mas bata. Siya ang magiging pinakabatang CEO ng isang firm na nakalista sa Topix index ng Tokyo.
Ang anak ni Shintaro na si Kunihiko ay namatay dahil sa heart failure noong 2013.
© 2020 AFP
Join the Conversation